-- Advertisements --

Binigyang linaw ng Kataas-taasang Hukuman na wala nang pondo ang ibabalik mula sa mga programang naipatupad sa 2024 at 2025 General Appropriations Act. 

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting, hindi na kailangan pang bawiin ang mga ito basta’t kumilos nang may mabuting hangarin ang benipisyaryo.

Ito aniya’y alinsunod sa ‘doctrine of operative fact’ kaya’t ang mga ‘irreversible programs’ na naisagawa nang ‘in good faith’ ay ituturing pa ring ‘valid’. 

Buhat nito, ang halos 500-bilyon piso halaga ng pera mula sa mga itinaas na halaga ng pondo noong 2024 at 2025 ay hindi na ibabalik pa.

Magugunitang idineklara ng Korte Suprema bilang ‘unconstitutional’ ang ginawang hakbang o mga probisyon ng kongreso sa General Appropriations Act 2024, 2025, at 2026. 

Ito’y bunsod nang matuklasan nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang kongreso sa pagtaas ng alokasyon sa ‘unprogrammed appropriations’ ng pambansang badyet.