Naniniwala si Caloocan 2nd Dist. Rep. Edgar Erice na dapat may managot na mga opisyal sa isyu ng ‘unprogrammed funds’.
Ayon sa mambabatas, kailangan panagutin umano dito sina dating House Speaker Martin Romualdez, Marikina 2nd Dist. Rep. Stella Quimbo at former Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Panahon aniya raw kasi ng dating house speaker nang maipasa ang 2024 at 2025 national budgets kung saan nagsilbing tagapangulo ng House Committee on Appropriations sina Rep. Quimbo at Zaldy Co.
Giit ng mambabatas na hindi mangyayari ang kontrobersyal na ‘unprogrammed appropriations’ kung walang pagkakasundo sa mga nabanggit na opisyal.
Sa naturang ‘unprogrammed funds’, dito aniiya nakapaloob ang pondo para sa flood control at iba pang mga proyekto na umano’y meron anomalya.













