-- Advertisements --

Aabot sa 98 na testigo ang nakatakdang ipresenta ng prosekusyon laban kay dating House Speaker Martin Romualdez.

Ito ay para sa kaniyang kinakaharap na kasong plunder sa Sandiganbayan na unang inihain ng Office of the Ombudsman.

Ang presidential cousin ay kasalukuyan ngayong nakadetene sa New QC Jail sa Payatas ngunit plano ng kaniyang kampo na magpasa ng petition for bail sa Lunes, Sept. 28.

Ayon sa ang kampo ng dating House leader, nais nilang hilingin na pansamantala siyang lumaya sa kulungan sa kabila ng naunang pahayag ng prosecution na malakas ang evidence of guilt laban sa mambabatas.

Sa bail petition, hanggang 23 testigo ang planong ipepresenta ng prosecution.

Sa panig ni Romualdez, hanggang 40 testigo naman ang plano nilang ipresenta para sa kabuuan ng kaniyang plunder case.

Magsisimula ang bail hearing sa dating House leader pagsapit ng October 12, 2026 hanggang November 12, 2026. Isasagawa ito, alas- 8:30 AM at 1:30 PM tuwing Lunes, Martes, at Huwebes.