-- Advertisements --

Itinanggi ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang alegasyong palihim na lumalabas si dating House Speaker Martin Romualdez sa Quezon City Jail.

Agad namang nagbigay ng abiso ang legal counsel ni Romualdez sa Sandiganbayan na nagpasa sila ng kanilang sulat sa kolumnistang si Ramon Tulfo, at tinanggihan ang alegasyong lumalabas ng detention facility ang dating mambabatas.

Ayon sa kampo ni Romualdez na sila ay nagambala sa pahayag ni Ramon Tulfo.

Agad namang ipinag-utos ng Sandiganbayan sa BJMP na suriin ang CCTV footage sa detention facility kung nasaan si Romualdez noong ika-apat ng Nobyembre at magpasa ng notarized report kung saan ipinapaliwanag ang mga ginawa ng dating magbabatas base sa recordings ng footage.

Ipinag-utos din ng Sandiganbayan ang mga sumusunod:

  • Mga taong personal na tumulong mag-assist kay Romualdez at sumama sa kanya sa buong panahon niya sa detention facility
  • Latest medical report ni Romualdez
  • Mga detalye ng mga medical examination ni Romualdez na ginawa sa labas ng jail facility
  • System status report at maintenance recordrs ng CCTV system
  • CCTV access log, kabilang na ang mga records kung may binura o ipinalit sa footage
  • Mga tala ng power intrerruption sa jail facility
  • Mga talaan ng mga pumasok at lumabas sa jail facility
  • Hiningi rin ng Sandiganbayan ang logbooks ng mga sasakyan na pumasok at lumabas sa pasilidad

Inutusan din ng Sandiganbayan ang BJMP na ipasa ang lahat ng tala sa Lunes, November 9.