-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang pinakamatagal na Republican House speaker na si Dennis Hastert sa edad na 84.

Kinumpirma ng kaniyang kampo ang pagpanaw nito kung saan natural cause umano ang dahilan ng pagkasawi nito.

Mula 1999 hanggang 2007 ay naging house speaker ito na siyang tumulong kay dating US President George W. Bush na maisabatas ang kaniyang agenda.

Nadungisan ang political career nito matapos na akusahan siya na nangmolestiya ng high school athlete na kaniyang tinuturuan bilang isang coach ng wrestling.

Nahatulan ito noong 2016 at nakulong ng mahigit isang taon na tinagurian ang dating history teacher na isa sa mga highest-ranking American politician na nakulong.

Noong dekada 90 ay naging mambabatas siya sa Illinois kung saan naging mabait ito sa mga kapwa mambabatas niya.

Sa loob din ng 16-na taon sa coaching career ay pinangunahan niya ang kaniyang koponan sa state championships at pinangalangan bilang national coach of the year noong 1976.