-- Advertisements --

Napipintong ipatupad ang barrier-less toll system sa expressways sa susunod na buwan.

Ayon kay DOTr Sec. Vince Dizon, mas makatitipid sa oras at gasolina ang mga motorista dahil mas bibilis ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa mga toll gate.

Ayon din pa kay transportation chief Dizon na ang “Barrier-less/Multi-Lane Free Flow Program’ sa lahat ng expressways ay isa nanag “urgent national priority”

Initasan din ni Pres. Bongbong Marcos ang Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) na simulan na ang pilot testing ng barrier-less toll system sa lahat ng expressway bago matapos ang taon.

Inatasan na rin ang lahat ng toll operators na ihanda ang kanilang mga sistema para sa planong pilot launch sa Disyembre.