Muling babalik sa pagdinig ang impeachment court sa Dec. 1, 2026 para ipagpatuloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte matapos ang huling sesyon noong Nov. 20.
Matapos ang ilang araw na walang pagdinig, inaasahang magpapatuloy ang paglilitis sa naturang araw habang nagpapatuloy ang presentasyon ng depensa laban sa mga alegasyong nakapaloob sa article II of impeachment complaint.
Matatandaang sa ika-45 araw ng paglilitis noong Nov. 20, humarap bilang mga testigo ng depensa sina Department of Trade and Industry Undersecretary Ceferino Rodolfo at Food and Drug Administration Director IV Pilar Marilyn Pagayunan.
Tinalakay ni Rodolfo ang pagpaparehistro ng Cale88 Foods Corporation bilang export enterprise sa ilalim ng Board of Investments, habang naglahad naman si Pagayunan ng mga dokumentong may kaugnayan sa rehistrasyon ng banana chips ng kumpanya.
Hindi naman natuloy ang mga nakatakdang pagdinig noong November 26 at 27 dahil sa hindi pagiging available ng mga susunod na testigo ng depensa.















