-- Advertisements --

Nilinaw ni defense witness at financial investigator Atty. Rainer Dela Fuente na hindi niya sinasabing mali, gawa-gawa o pinakialaman ang mga rekord ng Anti-Money Laundering Council (AMLC), mga dokumento ng gobyerno at bank records na iniharap sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang paglilinaw ni Dela Fuente sa cross-examination ni House prosecutor Chel Diokno nitong Huwebes, Nobyembre 19.

Sinabi rin ng saksi na hindi niya kinukuwestiyon ang mga kwalipikasyon ni Alexander Cabrera, ang expert witness ng prosecution na naghanda ng forensic report na may kaugnayan sa mga transaksiyon ni Duterte.

AV – ATTY CHEL AND ATTY DELA FUENTE ON MONEY L

Nauna nang ipinaliwanag ni Dela Fuente na ibinatay niya sa mga umiiral na batas at sa kanyang karanasan ang kanyang mga opinyon tungkol sa forensic report ni Cabrera. Gayunman, inamin niyang hindi niya personal na nasuri ang kabuuan ng naturang report at ang mga orihinal na rekord na pinagmulan nito.