Inakusahan ni Atty. Paolo Panelo, spokesperson ni VP Sara Duterte ang ilang senador-hukom ng pagpapakita umano ng pagiging bias laban sa bise presidente sa impeachment trial nitong Huwebes, Nobyembre 19, partikular sa kanilang pagtatanong sa defense witness na si Atty. Rainer Dela Fuente.
Ayon kay Panelo, hindi umano tungkulin ng mga senador-judge na kuwestiyunin ang kredibilidad ng saksi dahil trabaho raw ito ng prosecution. Dapat aniya, pakinggan lamang ng mga senador ang magkabilang panig at hayaang ang mga abogado ang magsagawa ng pagsusuri sa mga testigo.
Partikular na pinangalanan ni Panelo sina Senators Raffy Tulfo, Francis “Kiko” Pangilinan at Risa Hontiveros. Kabilang sa mga tinukoy niyang tanong ang tungkol sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs, voting preferences at mga dating kliyente ng law partner ni Dela Fuente.
Nanawagan si Panelo sa mga senador na magpakita ng pagpipigil sa pagtatanong at hiniling kay at presiding officer Chiz Escudero na paalalahanan ang kanyang mga kasamahan na huwag magmukhang kumakampi sa alinmang panig.
Giit pa ni Panelo na tila umaakto umanong abogado ng prosecution ang ilang senador-judge. Gayunman, nilinaw niyang personal niyang obserbasyon ang mga pahayag at hindi nangangahulugang ito rin ang posisyon ni VPDuterte.















