Pumanaw na ang sikat na hippopotamus na si Fiona habang ito ay nasa Cincinnati Zoo.
Ayon kay Cincinnati Zoo director Dave Jenike na aksidente umano itong nakalunok ng isang sumbrero na nahulog sa kaniyang kinaroroonan.
Dagdag pa nito na labis silang nagulat at nabigla sa pagkasawi ng siyam na taong hippopotamus.
Pinasuri pa nila ito sa beterinaryo subalit matapos ang ilang oras ay namayapa na rin ito.
Inoperahan pa nila ang mahigit na 2,000-pound na hayop subalit kahit anong tangkang pagtanggal ay hindi na nito nakayanan pa ang operasyon.
Naging instant celebrity si Fiona sa buong mundo noong ipinanganak na six-weeks prematurely noong 2017 at may record-low na timbang na 29 pounds.
Kadalasang tumitimbang kasi ang mga bagong silang na hippo ng 100 pounds.
Nagtulong-tulong ang mga staff ng zoo para ito ay makalakad at makakain ng tama hanggang nag-normal na ang kaniyang buhay.
Dahil sa kaniiyang kasikatan ay regular na nagpo-post ang zoo ng mga larawan at video ni Fiona kung saan marami na ito ng fans sa iba’t-ibang panig ng mundo.








