-- Advertisements --

Inilarawan ni Vice President Sara Duterte ang korapsyon bilang isang “progressive disease” na malalim nang nakaugat sa pamahalaan at humahadlang sa pagkamit ng mas magandang kinabukasan ng mga Pilipino.

Aniya, malaking hadlang ang korapsyon sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad at kaunlaran sa bansa.

Hinimok din niya ang publiko na gampanan ang kanilang responsibilidad sa pamamagitan ng pagsunod sa batas, pagtanggi sa korapsyon, pangangalaga sa komunidad at paniningil ng pananagutan sa mga namumuno.

Samantala, magpapatuloy sa Huwebes ang impeachment trial ng bise presidente matapos ang tatlong araw na suspensiyon dahil sa ASEAN Summit. Inaasahang maghahain ang depensa ng apat na saksi, kabilang ang tatlong tatalakay sa operasyon ng Cale88 Foods Corp. at isa na magbibigay-linaw sa Anti-Money Laundering Act.