Nominado sa 69th Annual Grammy Awards ang dalawang homegrown Filipino groups na BINI at SB19, kasama ang ilang international artists na may dugong Pilipino.
Sa susunod na taon, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Filipino artist na makilala sa pandaigdigang entablado matapos mapasama ang BINI at SB19 sa mga nominado sa bagong kategoryang Best Asian Pop Music Performance.
Pasok sa naturang kategorya ang BINI para sa kanilang awiting “Unang Kilig,” habang nominado naman ang SB19 para sa kantang “VISA,” na isinulat ng kanilang lider na si Pablo.
Samantala, kabilang din sa mga nangunguna sa nominasyon si Bruno Mars, na nakakuha ng anim na nominasyon, kabilang ang mga major categories.
Narito ang ilan sa kanyang mga nominasyon:
- Record of the Year – “I Just Might”
- Album of the Year – “The Romantic”
- Song of the Year – “Risk It All”
- Best Pop Vocal Album – “The Romantic”
- Best Pop Solo Performance – “Risk It All”
- Best Remixed Recording – “I Just Might (Austin Millz Remix)”
Kasama rin sa mga nominado ang tinaguriang pambansang pinsan ng mga Pinoy na si Olivia Rodrigo, na nakakuha naman ng pitong nominasyon, kabilang ang Album of the Year para sa kanyang latest album na “You Seem Pretty Sad for a Girl So in Love.”
Narito naman ang ilan sa kanyang mga nominasyon:
- Record of the Year – “the cure”
- Song of the Year – “the cure”
- Best Pop Vocal Album – “You Seem Pretty Sad for a Girl So in Love”
- Best Rock Song – “what’s wrong with me,” kasama si Robert Smith
- Best Rock Performance – “what’s wrong with me,” kasama si Robert Smith
- Best Pop Solo Performance – “the cure”
Gaganapin naman ang 69th Annual Grammy Awards sa Linggo, February 7, 2027, sa Los Angeles, United States. Mapapanood ito sa Pilipinas sa February 8, simula alas-otso ng umaga, oras sa Maynila.














