-- Advertisements --

Nagsumite ang bandang Cup of Joe ng kanilang pambato sa 2027 Grammy Awards.

Isinmute ng grupo ang kantang “Sandali” bilang pambato sa kategoryang “Best Asian Pop Performance”.

Sa kanilang social media account sinabi ng grupo na ang kanta ay patungkol sa paghahanap ng mas maraming oras sa mga taong mahalaga.

Nagpasalamat ang grupo sa kanilang fans dahil sa suporta sa kanilang mga kanta.

Ikinatuwa ng mga fans ng grupo ang nasabing anunsiyo kung saan malalaman ang mga pasok sa kategorya sa darating na Nobyembre 16.

Habang ang huling round para malaman ang panalo sa Grammy ay nakatakdang ianunsiyo mula Disyembre 10, 2026 hanggang Enero 7, 2027.

Gaganapin ang awarding ceremony sa darating na Pebrero 7, 2027 sa Los Angeles.

Magugunitang nagsumite rin ng kanilang mga kantang pambato ang mga grupong , BINI, SB19, Ben&Ben, Janine Berdin, Baby Dolls, Maymay Entrata, Khimo Gumatay at Carmelle Collado.