-- Advertisements --
Bumandera ang Grammy-winning British singer na si Olivia Dean sa LaLaLa Fest Manila 2027.
Ayon sa promoter na pangungunahan ni Olivia ang festival sa darating na Enero 14, 2027 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Makakasama nito ay ang mga grupong SunKissed Lola; Up Dharma Down; Lola Amour at BINI.
Ang 27-anyos na si Olivia ay isinilang sa London kung saan ang musika nito ay soul,R&B at pop.
Nagtapos siya sa BRIT School kung saan ilang sa mga sikat na singer ang nagtapos doon gaya nina Adele at Amy Winehouse.
















