-- Advertisements --

Nagpapakawala muli ng malaking bulto ng tubig ang dalawang major dam sa Luzon dahil sa pag-angat ng antas ng tubig ng mga ito, dala ng mga serye ng pag-ulan.

Nagbukas ang Ambuklao Dam ng isang gate at kasalukuyang nagpapakawala ng 59 cubic meters per second na tubig.

Tatlong gate naman ang binuksan ng Binga Dam at sa kasalukuyan ay nagpapakawala ito ng mahigit 174 cms ng tubig.

Sa kasalukuyan, parehong halos umabot na sa Normal High Water Level (NHWL) ang antas ng tubig sa dalawang nabanggit na dam.

Sa Ambuklao, nasa 751.14 meters ang antas nito, at ilang sentimetro na lamang bago maabot ang NHWL na 752 meters.

Umaabot naman sa 574.86 meters ang antas ng Binga at ilang sentimetro lamang ito bago maabot ang NHWL na 575 metrs.