-- Advertisements --

Binigyan ng pagkilala sa Thanksgiving Eve halftime show ang namayapang beteranang US singer na si Dolly Parton.

Pinangunahan ng bandang U2 ang pagbibigay pugay sa namayapang singer kung saan habang kinakanta nila ang “Torn” ay lumabas ang video ng singer sa background.

Mapapakinggan din ang pre-recorded na boses nito sa nasabing duet.

Ang halftime performance isinagawa sa laban ng Los Angeles Rams at Green Bay Packers.

Naging mas lalong emosyonal ang tribute dahil ang kantang “Torn” ay pinaniniwalaang huling nai-record na kanta ng singer bago ang kaniyang pagpanaw.

Nai-record nito ang kanta dalawang buwan bago ang kaniyang pagpanaw.

Pumanaw ang 80-anyos na singer noong Agosto matapos ang pakikipaglaban niya sa cancer.