-- Advertisements --

Nananatiling nasa maganda ang kalusugan ng beteranang singer na si Dolly Parton.

Kasunod ito sa pagkansela ng kaniyang mga show sa Las Vegas noong nakaraang taon.

Sinabi ng country music icon na inaalagaan niyang mabuti ang kaniyang kalusugan.

Aminado ito na labis siyang nalungkot na nagpapalala sa kaniyang paghina ang pagpanaw ng kaniyang asawang si Carl Dean.

Ikinasal kasi ang dalawa sa loob ng 58 taon kung saan pumanaw ito noong Marso 2025 sa edad na 82.

Magugunitang mayroong sakit sa kidney stones ang singer kaya kinansela ang ilang mga show niya.