-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang singer na si Dolly Parton sa edad na 80.

Sinabi ng kaniyang publicist na si Marcel Pariseau kampo na namayapa angsinger sakaniyang bahay sa Nashville matapos ang pakikipaglaban sa cancer.

Noong nakaraang dalawang taon ay naging bukas ang singer sa mga sakit na kaniyang dinaranas matapos ang pagpanaw ng kaniyang asawa na si Carl Dean noong Marso 2025.

Mahigit 50 taon ang kaniyang career kung saan nakagawa ito ng mahigit 3,000 na kanta.

Ilan sa mga pinasikat nitong kanta gaya ng “Coat of Many Colors” , ” Jolene” , “I Will Always Love You” at maraming iba pa.

Naglabas ito ng 49 na albums at nagwagi ng 11 Grammys kung saan itinuturing siyang pinakamatagumpay na country crossover artists of all time.

Nagtatag din siya ng Library program kung saan nagdonate ito ng mahigit 300 milyon na libro sa mga kabataan.

Isinilang noong Enero 19, 1946 sa Tennessee kung saan pang-apat siya sa 12 magkakapatid.

Naging bahagi na sa kanilang pamilya ang musika dahil ang lolo niya ay preacher na tumutugtog ng piano at gitara.

Niregaluhan siya ng kaniyang tiyuhin ng kaniyang unang gitara noong bata pa siya at natuto siyang tumugtog nito sa edad na pitong anyos at mula noon ay nagsulat na siya ng mga kanta.

Lumipat ito si Nashville matapos ang high school para ipagpatuloy ang kaniyang pangarap sa musika at doon na rin niya nakilala ang asawang si Carl Thomas Dean.

Taong 1965 ng unang pumirma siya ng kaniyang unang record deal at matapos ang isang taon ay nagpakasal sila ng asawa.

Naglunsad din ito ng kaniyang sariling variety show subalit nagtagal lamang ito ng isang season.

Unang sumabak ito sa pelikula noong dekada 89 na may titulong “9 to 5” kasama ang aktres na si Jane Fonda at Lily Tomlin.

Ilan sa mga pelikula kung saan siya nakasama ay ang “The Best Little Whorehouse sa Texas” kasama ang aktor na si Burt Reynolds at ang pelikulang “Steel Magnolias” noong 1989 kasama sina Julia Roberts at Sally Fields.

Noong tumama ang COVID-19 pandemic ay nagbigay ito ng $1 milyon na donasyon para sa paggawa ng Moderna vaccine sa Vanderbilt University sa Nashville.