-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang kapatid ng country singer na si Dolly Parton.
Nagdulot kasi sa pagkabahala sa mga fans ng singer matapos na humingi ng pagdarasal ang kapatid nito na si Freida para sa agarang paggaling.
Ayon kay Freida na wala siyang intensyon na manakot at nais lamang niyang ipagdasal ang kapatid dahil sa may naranasan itong sakit.
Naniniwala ito na may malakas na kapangyarihan ang dasal kaya hiniling nito para sa paggaling ng singer.
Magugunitang noong Setyembre ay ibinunyag ng 79-anyos na singer na na-diagnosed ito ng infection sa kidney stone at patuloy ang kaniyang gamutan.