-- Advertisements --

Pumanaw na ang singer-songwriter na si Duncan Sheik sa edad na 56.

Inanunsiyo ito ng kaniyang kampo sa pamamagitan ng pagpost ng kaniiyang larawan sa social media.

Bukod aniya sa pagiging musikero ay isang ama, kapatid at mabuting kaibigan ang singer.

Hindi naman na binanggit pa ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan ng singer.

Una ng lumabas ang ulat na mula pa noong nakaraang linggo ay labas-pasok ito sa isang pagamutan at dinala rin ito sa intensive care unit sa New York City hospital.

Namayagpag ang pangalan ng singer noong taong 1996 sa paglabas ng kaniyang self-titled album na umabot sa gold record ito sa US.

Pinasikat nito ang kantang “Barely Breathing” na nakakuha ng nominasyon sa Grammy.

Naglabas pa ito ng mga album subalit hindi na naging patok pa ito sa masa.

Nag-collaborate din ito kay Steven Sater sa Broadway rock musical na “Spring Awakening”.

Naging hit ang show kung saan nagwagi dito si Duncan ng dalawang Tony Awards ang Best Orchestrations at Best Original Score.

Nagwagi din ito ng Grammy para sa Best Musical Show Album at tinulungan ang pag-angat ng mga “Glee” stars na sina Lea Michele at Jonathan Groff.