-- Advertisements --
Pumanaw na si two-time Grammy Award-winning reggae drummer Sly Dunbar sa edad na 73.
Kinumpirma ito ng kaniyang asawa na si Thelma subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye.
Naging drummer siya sa ilang mga kanta ni Bob Marley at Bob Dyland na naging bahagi ng reggae band na Sly & Robbie.
Si Dunbar at bassist Robbie Shakespeare o Sly & Robbie ay kilala din bilang “The Riddim Twins” ay tumugtog ng reggae classics ng Black Uhuru, Jimmy Cliff at Peter Tosh.
Nominado si Dunbar ng 13 beses kung saan dalawa dito ang naipanalo niya kabilang na ang kantang “Anthem” ng Black Uhuru para sa best reggae recording noong 1985 at kantang “Friends” nag Sly & Robbie na nagwagi ng best Reggae album noong 1999.
















