-- Advertisements --

Mariing kinokondena ng Department of National Defense (DND) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs na naglalaman ng paninira at pagbabanta laban sa mga miyembro ng ng uniformed services ng Pilipinas.

Iginiit ng DND na hindi ito matitinag o matatakot sa anumang opisyal ng People’s Republic of China (PROC), at patuloy nitong ilalantad at tutulan ang mga kasinungalingan at mapanirang aksyon ng China.

Ang naturang pahayag ay patunay ng patuloy na pagtatangka ng China na magpalaganap ng baluktot na naratibo at mang-bully ng mas maliliit na bansa.

Binigyang-diin ng DND na ang West Philippine Sea at ang mga katangian nito ay hindi kailanman naging bahagi ng China.

Siniguro ng Defense department na patuloy na gagampanan ng Pilipinas ang tungkulin nitong pigilan ang ilegal at mapaminsalang aktibidad ng China sa loob ng hurisdiksiyon ng bansa.