-- Advertisements --

Bahagyang tumaas ang farmgate price ng palay nitong Pebrero, batay sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon sa ahensiya, hanggang 10.4% ang itinaas ng farmgate price kung saan umabot sa P22.47 kada kilo ang national average na presyo ng tuyong palay.

Mas mataas ito kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Naitala sa Cagayan Valley ang pinakamataas na presyuhan ng palay na umabot sa P28.12 kada kilo. Ito ay may pagtaas na 44.3% kumpara noong nakaraang taon.

Umabot naman sa P25.86 kada kilo ang average farmgate price sa Central Luzon, na kilalang rice-producing region.

Sa kabilang banda, ang Caraga Region ang nakapagtala ng pinakamababang presyo sa P17.96 kada kilo.

Tinataya naman ng PSA ang posibleng pagbaba ng produksyon ng palay sa unang quarter ng 2026 ng hanggang 7.1%, batay na rin sa pagsusuri sa mga bulto ng standing crops noong Pebrero.