-- Advertisements --
Lumalabas sa record ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ilan sa mga pangalang nakalagay sa mga acknowledgement recipts ng Office of the Vice President (OVP) ay matagal nang patay.
Kinumpirma ni PSA Assistant National Statistician Marizza Grande na mayroong mga kaparehong pangalan sa acknowledgment receipts ng Confidential and Intelligence Funds (CIF) ng ang lumabas na may rekord na ng pagpanaw sa database ng naturang opisina.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:
Fortunato Salig – pumanaw noong June 29, 2011
Rodolfo Traya – pumanaw noong May 4, 2021
Emilio Sagan – pumanaw noong July 28, 2025
Dagdag pa ni Grande, 34 pang pangalan mula sa mga resibo ang may katulad na record ng death certificates.
















