-- Advertisements --

Muling itinakbo sa pagamutan ang legendary singer na si Lionel Richie matapos ang sakit na may kinalaman sa kaniyang puso.

Ayon sa kampo nito na nasa pagamutan ang singer dahil sa atrial fibrillation o iregular ang pagtibok ng puso.

Paliwanag ng mga doktor na hindi ito maikokonsiderang major procedure at ito ay minimal na nagdudulot lamang ng maliit na sugat sa puso para maharang ang faulty electrical signal mula sa puso.

Dahil dito ay napilitang kanselahin ang show ng singer kasama ang grupong “Earth Wind & Fire” sa San Francisco, Chicago at sa Columbus, Ohio.

Ito na rin ang pangatlong pagkakataon na na-ospital ang singer sa mga nagdaang buwan.

Noong Agosto kasi ay dinala ito sa St. Louis hospital at nanatili ng ilang araw sa Intensive Care Unit kung saan pinauwi din ito matapos ang ilang araw.