-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Yeng Constantino ang pagkakaroon ng dagdag na araw ng kaniyang “Biyaheng Bente” anniversary concert.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa nito ang anunsiyo na gaganapin sa darating na Nobyembre 17 sa Araneta Coliseum.

Ang nasabing anunsiyo ay kasunod ng matagumpay na unang dalawang araw na konsiyerto noong buwan ng Agosto.

Tiniyak ng singer na maraming sorpresang matutunghayan ang kaniyang fans sa nasabing konsiyerto.