-- Advertisements --
Masayasng inanunsiyo ng girl group na KATSEYE ang pagsasagawa nila ng konsiyerto sa bansa.
Ayon sa grupo na isasagawa ang kanilang The WildWorld Tour sa Manila sa darating na Enero 29, 2027 at sa Cebu naman sa Pebrero 7, 2027.
Nagsimula mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1 ang preselling ng tickets habang ang general selling ng tickets ay sa darating na Nobyembre 13.
Ito na ang pangalawang pagbisita ng grupo sa bansa na ang una ay noong 2024.
Makakasama na sa grupo ang isa nilang miyembro na si Sophia dahil sa inuna nitong magpahinga noong nakaraang mga buwan para bigyang priyoridad ang kanilang mental health.














