-- Advertisements --
Patuloy ang pag-alalay ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (HPG) sa mga motorista na uuwi ngayong panahon ng obserbasyon ng UNDAS.
Ayon kay HPG chief Police Brigadier General Joyce Patrick Sangalang, inaasahan kasi simula ngayong araw, Oktubre 30 ay marami na ang uuwi sa kanilang probinsiya.
Mas doble aniya ang kanilang personnel na ipinakalat lalo na at nataon na weekends ang obserbasyon ng Undas.
Hindi rin tumitigil ang kanilang pamunuan sa pagpapaalala sa mga motorista na sumunod sa batas trapiko para maiwasan ang anumang aksidente.
















