-- Advertisements --
Muling magsasagawa ng concert sa Pilipinas ang Norwegian pop duo na M2M sa susunod na taon.
Isinagawa nina Marit Larsen at Marion Ravn ang nasabing nakatakdang concert nila sa kanilang social media.
Gaganapin ang konsiyerto sa Abril 2 sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.
Dagdag pa ng dalawa na labis silang nasisiyahan dahil sa maraming mga Pinoy fans nila ang nag-aantay sa kanila.
Pinasikat ng dalawa ang kantang “Don’t Say You Love Me”, “Pretty Boy”, “The Day You Went Away” at maraming iba pa.
Taong 2022 ng mag-solo career ang dalawa.
Huling nag-concert sa Pilipinas ang dalawa noong Mayo 2025.















