Naging emosyonal ang beteranang singer na si Celine Dion sa kaniyang pagbabalik sa stage matapos ang ilang taon na pakikpaglaban sa kakaibang neurological disorder.
Naging sold-out ang show ng 58-anyos na French-Canadian singer.
Nagsigawan ang mahigit na 30,000 na mga fans na nanood ng concert matapos na simulan nito ang concert sa pamamagitan ng pagkanta ng French language ballad na “On ne change pas” o “One Doesn’t Change” .
Kabilang na nanood sa concert nito sa sa Plenitude Arena ay si dating US First Lady Michelle Obama.
Sinabi ng singer na maluha-luha ito ng makita ang buong suporta ng mga fans.
Magugunitang mahigit isang taon na hindi nakapagsagawa ng konsiyerto ang singer matapos na dapuan ng Stiff Person Syndrome isang hindi na kayang gamutin na kondisyon na nagreresulta sa pagkakaroon ng cramps at hindi maigalaw na bahagi ng katawan.
Noong Marso ng ianunsiyo ng singer na ito ay magbabalik sa pagsasagawa ng konsiyerto matapos na dapuan ito ng sakit.
















