-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Paris ang ipinapatupad nilang curfew ng hanggang sa araw ng Lunes, Oktubre 29.
Ipapatupad ito sa Marseille at Lyon kung saan magpapatupad ng total ban sa mga protesta.
Isasara rin sa publiko ang Louvre,Orsay at Picasso museums sa Paris nitong weekends.
Patuloy pa rin kasi ang ginagawang malawakang kilos protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa nasabing bansa.
Sinabi naman ni Interior Minister Jean-Didier Berger na kanilang dadagdagan ng 20 percents ang bilang ng mga kapulisan na ipapakalat sa iba’t-ibang bahagi ng France laban sa mga protesters.
Umaabot na rin sa 217 na mga protesters ang naipakulong na ng mga otoridad.
















