-- Advertisements --

Nagbigay ng magkakahalong reaksyon ang ilang mga lider ng bansa sa nagaganap na malawakang kilos protesta sa France.

Ayon sa European Union, na kanilang kinokondina ang naganap na panununog at nakawan subalit dapat ay protektahan ng France ang mapayapang kilos protesta.

Nakikipag-ugnayan ang European Commission sa mga opisyal ng France ukol sa nagaganap na kilos prostesta.

Habang kinondina ng United Kingdom ang marahas na kilos protesta sa France.

Sinabi ni Prime Minister Andy Burnham, na hindi katanggap-tanggap ang mga nagaganap na kilos protesta.

Habang ang kapangyarihan ng protesta at nagpapakita ng puso ng demokrasya ay hindi ito dapat maging excuse para sa karahasan.

Hinikayat nila ang mga Britons na nasa France na mag-ingat at huwag sumali sa kilos protesta.