-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kanilang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.

Kaninang ala-6 ng umaga ng simulan ang P4.30 na bawas sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.00 naman ang bawas sa kada litro ng kerosene.

Habang ang diesel ay mayroon pagtaas na P2.60 sa kada litro.

Sinabi ni Department of Energy Director Rino Abad, na ang dahilan ng pagtaas ng diesel ay dahil sa mataas na freight at insurance cost.

Paglilinaw naman ng opisyal na hindi kinakailangan ng gobyerno na mag-angkat ng diesel o liquefied petroleum gas (LPG).