-- Advertisements --

Walang nakikitang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang Department of Trade and Industry (DTI) bago ang pagdating ng Undas.

Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque , mayroong stable ang presyo ng maraming produkto kabilang ang kandila, bottled water at ibang mga bilihin.

Natitiyak niya na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang monitoring sa mga pangunahing supermarkets sa bansa.

Wala ding hiling ang mga manufacturers sa DTI ng pagtaas presyo sa kanilang mga produkto.