Patuloy na nagbabanta ang Typhoon Rosal sa mga lugar sa hilagang bahagi ng bansa.
Ito ay kahit nabawasan ang lakas ng hangin at kumikilos ng northwestward direction sa karagatan sa silangan-hilagang-silangan ng Batanes.
Batay sa lahat ng available data, ang sentro ng mata ng bagyo ay tinatayang nasa 275 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa sentro, gustiness na umaabot sa 190 km/h, habang kumikilos sa bilis na 15 km/h.
Nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes at sa hilagang-silangang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Panuitan Is., Calayan Is., Camiguin Is.).
Samantala, nakasailalim naman sa Signal No. 1 ang natitirang bahagi ng Babuyan Islands, mainland Cagayan, hilagang-silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Santa Maria, Cabagan, San Pablo, Palanan), Ilocos Norte, at Apayao.
















