-- Advertisements --

Napanatili ng Severe Tropical Storm Queenie ang taglay nitong lakas habang kumikilos nang mabagal sa ibabaw ng Philippine Sea.

Batay sa pinakabagong ulat, huling natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 600 kilometro Silangan-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes.

Kumikilos ito sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 km/h.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 95 km/h malapit sa sentro at may pagbugso na pumapalo sa 115 km/h.

Inaasahang magpapatuloy ang paggalaw ng bagyo patungong hilaga at nakatakda itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong darating na weekend.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na mag-abang sa mga susunod na ulat ng panahon.