Tinawag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na “manhid” ang China sa mga diplomatikong pahayag ng Pilipinas, kasunod ng panibagong pagkuwestiyon ng Beijing sa soberanya ng bansa sa Batanes.
Hinimok ni Teodoro ang mga Pilipino na huwag patulan ang “fake news” at “disinformation,” at suportahan ang mga sundalong nagtatanggol sa bansa.
Iginiit niyang may sapat na legal at historikal na batayan ang Pilipinas, kabilang ang arbitral award, upang ipagtanggol ang Batanes.
Nagmula ang kontrobersiya sa pahayag ng ilang Chinese scholar na natural na karugtong ng Taiwan ang Batanes at dapat mapasailalim sa China.
Tinanggihan ito ng National Historical Commission of the Philippines, na nagsabing pormal na naisama ang Batanes sa administrasyong kolonyal ng Espanya noong 1783 at walang ebidensiya ng pamamahala roon ng China.
Binigyang-diin ni Teodoro ang pangangailangang palakasin ang depensa ng bansa, kabilang ang pagtatayo ng mga estratehikong base militar sa baybayin na nakaharap sa Pacific Ocean.
Tiniyak din niyang hindi maaapektuhan ng usaping diplomatiko ang operasyon ng DND at AFP.













