Naglunsad ngayong araw ang Department of Justice, iba’t ibang mga ahensiya, at pribadong sektor ng kampanya kontra ‘cyber-scam’.
Kanilang inilunsad ang kampanyang ‘‘SURE KA NA BA? SURE NA!’’ na may layunin palakasin ang mga hakbang para malabanan ang lumalaganap na ‘online scams’ sa bansa.
Sa naturang programa, nais mapaalalahanan ang publiko na maging mapanuri bago mag-click ng link, bumili ng produkto online, pagbabahagi ng personal na impormasyon o pagpapadala ng pera gamit ang internet.
Maliban sa DOJ, katuwang sa kampanya ang Department of Trade and Industry o DTI, National Telecommunication Commission o NTC, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP, ilang mga tekecommunications company, digital payment platforms, at bangko.
Naniniwala si SOJ Vida na dapat magtulong-tulong upang masolusyonan o maresolba ang mga kaso ng nabibiktima ng ‘scams’ sa bansa.
Sa nabanggity na kampanya, kanilang iprenesenta ang SURE Framework,
- Spot the Scams
- Understand the Message
- Report
- Empower
Binigyang diin ng kalihim na napapanahon ang naturang usapin kaya’t sa pangunguna ng kagawaran, hinimok niya ang iba pang mga ahensiya na makipagtulungan.
Paalala naman niya sa mamamayan na iwasan ang mga nabibiktima o ‘victim-blaming’, sa halip ay hikayatting na maging parte ng solusyon.













