Naghain ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation ng reklamo sa Department of Justice ngayong araw kontra sa ilang indibidwal na sangkot umano sa ‘agricultural smuggling’ sa Cebu.
Kanilang inireklamo sa National Prosecution Service ng kagawaran ang 13-katao na sinasabing may paglabag sa Agricultural Economic Sabotage Act, ukol sa ‘smuggling’ ng sigarilyo sa isang private port na matatagpuan sa Cebu.
Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ay ang mga miyembro ng pamilya Gothong, na nagpapatakbo ng naturang port, at kasama mga tauhan ng shipping company.
Ayon sa kawanihan, nasa 59 na container naglalaman ng mga sigarilyong aabot sa halagang 13-bilyon piso ang umano’y ilegal na ipinasok at nasabat sa pantalan.
Kaya’t susuriin ng DOJ ang mga dokumento at ebidensiyang isinimute ng NBI nang sa gayon ay matukoy kung nararapat ba itong isailalim sa ‘preliminary investigation’.













