-- Advertisements --

Dumayo ang programang Kadiwa ng Pangulo sa Navotas Convention Center upang maghatid ng mas murang mga produktong agrikultural at direktang makatulong sa mga residente.

Binuksan ang bentahan sa naturang pasilidad upang maghain ng mga abot-kayang gulay, sariwang karne, at de-kalidad na bigas para sa mga mamimili.

Unang pinagtuunan ng programa ang sektor ng mga senior citizen at Persons with Disabilities (PWD) para sa limitadong suplay ng P20 kada kilong bigas.

Bahagi ang programang ito ng patuloy na hakbang ng Department of Agriculture at lokal na pamahalaan upang maibaba ang gastusin sa pagkain at matulungan ang mga pamilyang higit na nangangailangan.

Patuloy ding pinalalawak ng pamahalaan ang saklaw ng Kadiwa sa iba’t ibang lungsod upang matiyak na mas marami pang Pilipino ang makikinabang sa murang bilihin sa gitna ng mga hamon sa ekonomiya.