-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Education (DepEd) sa mga guro na magtatangkang magbenta o isangla ang mga bagong issue sa kanila na laptops.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na ang mayroon silang inilagay na istriktong pa-iingat para matiyak na hindi magamit sa iligal na aktibidad o magamit sa ibang paraan ang mga laptops.

Ang nasabing pahayag ay kasunod na pagsisimula na ng DepEd na ipamahagi ang nasa 231,000 na mga laptops sa guro sa buong bansa.

Dagdag pa ng Kalihim na hindi maaring ibenta ito dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.

Bawat paaralan aniya ay mayrong property custodians na nagbabantay ng imbentaryo at matiyak na ito ay ginagamit ng tama.

Una ng sinabi ng DepEd na mayroong 231,725 na laptops ang kanilang nabili para sa mga guro.

Sa nasabing bilang mayroong 169,008 ay MacBook Neo units habang 62,717 ay Windows-based laptops.

Makakatanggap din ang mga administrative officers ng DepEd ng 3,646 MacBook Neo.