Dinipensa ng Malacañang ang pagkakapili kay Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang susunod na Chief Justice sa gitna ng mga batikos at pagkwestiyon sa kanyang pagiging independent.
Ayon kay Secretary Lino Cayetano, napili si Zalameda dahil sa kanyang qualifications at malawak na karanasan sa hudikatura na nagsimula bilang clerk of court sa RTC, naging prosecutor, at naglingkod bilang hurado sa Court of Appeals at Korte Suprema sa ilalim ng iba’t ibang administrasyon mula pa sa panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Tugon ito ni Cayetano sa mga pahayag ng ilang kritiko, kasama na si dating presidential spokesman Harry Roque, na nag-point out sa naging papel ni Zalameda bilang ponente noon sa mga desisyong pumapabor sa pamilya Marcos.
Nilinaw naman ng Palasyo na ang mga naturang desisyon ay kolektibong pasya ng buong division at hindi ng iisang hurado lamang.
Naniniwala ang pamahalaan sa impartiality at integridad ni Zalameda na mamuno sa Kataas-taasang Hukuman.














