-- Advertisements --

Nakatakdang ipagpatuloy sa Nobyembre 9, 2026, ang pagdinig ng Senate Impeachment Court kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


Kaugnay nito, naghain ang defense counsel ni Vice President Duterte sa senate impeachment court ng manipestasyon para hilingin na isyuhan ng subpoena duces tecum at Ad Testificandum, at ipatawag bilang unang witness si Ralph A. Sarmiento.


Si Sarmiento ay dating Vice Chancellor for Administration ng University of St. La Salle at kasalukuyang kinikilalang propesor ng Political and Constitutional Law.


Batay sa inihain ng depensa, inaasahang magbibigay ng testimonya si Sarmiento hinggil sa mga legal at konstitusyonal na prinsipyong may kaugnayan sa impeachment case at sa Article II.


Samantala, nakasaad din sa manipestasyon na isusumite ng depensa ang pagkakakilanlan ng iba pang mga saksi para sa mga nakatakdang pagdinig sa Nobyembre 10, 11, 12, 13, 19, 20 at 23.