-- Advertisements --

Naaresto ng mga pulis ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga patalim at mga dokumentong hinihinalang may kaugnayan sa planong pagnanakaw sa Dagupan City noong Martes, Nobyembre 3, 2026.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), napansin ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklong walang plaka at kapwa nakasuot ng pantakip sa mukha, tinangka pa umano ng dalawa na tumakas ng sitahin ng pulis.

Sa isinagawang paghahalughog, nakuha mula sa kanila ang mga patalim, isang notebook na may iginuhit na mapa at sulat na pinaniniwalaang naglalaman ng plano sa pagnanakaw.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang dalawang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila.