Umatras si Dean Ralph Sarmiento na humarap bilang testigo ng defense team sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Nobyembre 9.
Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Sarmiento na matapos ang maingat na pagsasaalang-alang, nagpasya siyang hindi na lumahok sa mga pagdinig.
Ipinaliwanag niyang personal na desisyon ang kaniyang pag-atras upang mapanatili ang kalayaan ng kaniyang pag-aaral at pananaliksik sa constitutional law, gayundin ang pagiging patas ng kaniyang mga legal na pananaw at opinyon.
“This is a personal decision to preserve the independence of my constitutional law scholarship and the impartiality of my legal views and opinions,” saad ni Sarmiento.
Si Sarmiento ang unang inaasahang testigo ng defense team sa impeachment proceedings laban sa bise presidente.
Sa ngayon, hindi pa malinaw kung sino ang ipapalit ng depensa kay Sarmiento bilang testigo sa susunod na pagdinig.















