-- Advertisements --
Makatitipid sa pamasahe ang mga komyuter sa Metro Manila sa pamamagitan ng libreng sakay program na ilulunsad ng pamahalaan mula Nobyembre 5 hanggang 14, 2026, bilang bahagi ng paghahanda sa 49th ASEAN Summit.
Magtatalaga ng 30 modern jeepneys na bibiyahe sa dalawang ruta: SM Fairview–Buendia at Sucat–Baclaran. Tatagal ang operasyon mula alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-10 ng gabi, na may 15 jeepney sa bawat ruta.
Pinangunahan ng Department of Tourism (DOT), Department of Transportation (DOTr), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inisyatiba bilang bahagi ng pagtutulungan ng pamahalaan upang maghatid ng direktang benepisyo sa publiko habang naghahanda ang bansa sa ASEAN Summit.














