-- Advertisements --

Patay ang isang Indian national matapos itong masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa San Pablo City, Laguna nitong Martes ng umaga.

Kinikilala ang biktima bilang isang 20 taong gulang na negosyanteng nakaangkas sa isang motor.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bumaba ng motorsiklo ang biktima nang makarating ito sa railway crossing sa Brgy. Del Remedio, alas-6 ng umaga.

Papatawid sana ito ng riles nang salpukin at kaladkarin ito ng paparating na tren.

Agad namang isinugod ang biktima sa San Pablo District Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Sumuko na rin sa awtoridad ang tauhan ng PNR na sangkot sa pagkamatay ng Indian national.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng PNR na magbibigay ito ng anumang tulong na kakailanganin ng biktima.