Nagpakawala ng banat si incoming Michigan Senator Abdul El-Sayed laban kay Pangulong Donald Trump kasunod ng kanyang tagumpay sa katatapos lamang na midterm elections sa Estados Unidos.
Binigyang-diin ng Democrat ang paulit-ulit na pagkakamali ni Trump sa tamang pagbigkas ng kanyang pangalan sa gitna ng mga ginanap na rally sa kampanya.
Biro ni El-Sayed, kapag pinanumpa na siya ni Vice President JD Vance sa Enero, maaari nang laktawan ni Trump ang problema sa pagbaybay ng kanyang pangalan at tawagin na lamang siyang “Senator.”
Idinagdag pa nito na wala nang magagawa ang Bise Presidente kundi opisyal siyang papanumpain bilang bagong senador ng estado sa mga susunod na linggo.
Mabilis na umani ng reaksyon ang naturang pahayag sa loob lamang ng ilang oras ang matalim ngunit nakatutuwang hirit ng bagong miyembro ng US Congress.
Si Abdul El-Sayed ang kauna-unahang Muslim na nahalal sa Senado ng Estados Unidos, base sa kanilang nakatalang kasaysayan.














