-- Advertisements --

Kumpyansa ang Integrated Bar of the Philippines o IBP sa kakayahan ni bagong Supreme Court Associate Justice Rodil Zalameda bilang bagong Punong Mahistrado ng hukuman. 

Sa inilabas na mensahe, kanilang inihayag at ipinaabot ang positibong pananaw na mapapanindigan ni Justice Zalameda ang integridad, pagiging malaya ng hudikatura, kahusayan, at tapat na administrasyon ng katarungan. 

Mahalaga anila itong pagkakatalaga ni Justice Zalameda sa pagbubukas ng panibagong yugto ng liderato sa hudikatura ng Pilipinas. 

Kaya’t binati ng Integrated Bar of the Philippines si SC Associate Justice Zalameda sa nakatakdang pag-upo bilang ika-28 Punong Mahistrado ng Korte Suprema. 

Makakaasa umano ang hukuman na patuloy na magiging katuwang ang IBP sa pagtindig at pagtatanggol sa batas at katarungan. 

Makaseseguro rin anila na pakikipagtulungan ang IBP na palakasin ang ‘justice system’ at akses ng katarungan para sa lahat ng mga Pilipino. 

Papalitan ni Justice Zalameda si outgoing Chief Justice Alexander Gesmundo na magreretiro bukas, ika-6 ng Nobyembre sa edad na 70.