-- Advertisements --

Posibleng makaranas ng danger at extreme-danger heat index levels ang bansa mula sa buwan ng Pebrero hanggang sa buwan ng Hunyo sa susunod na taon ayon sa tala ng state weather bureau.

Paliwanag pa ng state weather bureau na itinuturing nasa danger levels ang heat index kapag ito ay pumalo mula sa 42 degrees Celsius hanggang 51 degree Celsius. Habang extreme danger levels naman kung ito ay umabot na sa 52 degrees Celsius pataas.

Dagdag pa ng state weather bureau na ang mataas na heat index ay maaaring humantong sa heat cramps at heat stroke.

Inaasahan naman na magtatagal ang matinding El Niño hanggang sa kalahati ng taong 2027, kung saan maaari ring maging banta sa agrikultura at palaisdaan sa Pilipinas.

Ayon pa sa state weather bureau, na maaari pa rin namang makaranas ng malamig na panahon ngunit posibleng hindi na ito kasinglamig kumpara noong nakaraang taon.